Mt. Ulap

Ito yung unang solo joiner ko sa pag-hike, same organizer/agency sya nung sa Mt. Binutasan ko sa may Tanay, Rizal.

Mt. Ulap, isang mahabang trekking na traverse. Dinaanan namin ang Ambanao Peak at Gungal Peak marating lang sa Mt. Ulap. Ang ganda ng tanawin dito, di kayang bigyan ng hustisya sa kahit anong camera gamitin mo. Sulit na sulit yung gastos, pagod, at pawis. Unang peak palang busog ka na.

1,200 pesos ang halaga ng package na ito, lahat-lahat na pwera lang sa pagkain.

9:30PM, sa Cubao kami nagkita-kita ng mga makakasama ko, walo kaming sinundo doon at may dalawang dinaanan sa Tarlac. Buti nalang may nakasama akong Solo Joiner din kaya kami nalang yung nagsama, naging instant photographer ko tuloy sya.

Nakarating kami ng Itogon, Benguet ng mga 4:30AM. Grabe, pagbukas palang ng pinto ng van para bumaba ay nangangatog na ko sa lamig, napabili nga ako ng scarf ng wala sa oras.

Mga 5:30AM nagsimula kaming mag-trekking, madali lang naman yung trail ang kaso napakahaba nung lalakarin. Di sya ganun katarik pero dahil puro lupa, medyo madulas yung daanan, medyo nakakatakot kasi nasa gilid ng bangin yung trail.

Sa una, dala ng lamig ay balot-balot pa ako pero nung palapit na kami sa unang Peak, hinubad ko na yung jacket ko. Mga 9:30AM, narating namin ang unang Peak; Ambanao Paoay. Dito palang sulit na sulit na, ang ganda ng lugar, para kang nasa ibang bansa.

Ito yung view mula sa Ambanao Paoay, pwede ditong mag-camping, patag kasi yung peak.

Pinipilaan yung pagpapa-picture sa Gungal Rock, ang dami kasi naming nag-trek nung araw na to, mga more than 300 na tao kami dito kaya halos 3 hours kaming naghintay makapagpa-picture lang. Dito na din kami nag-lunch.

Ang sunod ay ang Mt. Ulap Peak, mga dalawang oras namin itong nilakad mula Gungal Peak. Actually, simple lang yung Mt. Ulap peak, pero bawing-bawi sa ganda ng tanawin.

Ito yung view mula sa Mt. Ulap, di sya kayang bigyan ng hustisya ng camera ko. Pwede ding mag-camping dito, ang kaso kalat ang tae ng kalabaw.

Mga kalahating oras kami nag-stay sa Mt. Ulap peak. Pagkuwan ay bumaba na kami. Mga isang oras na lakad siguro mula sa Mt. Ulap peak, may tindaan kaming nadaanan. Sumaglit kami doon para mag-CR (karidi CR nila dito) at nagmiryenda. Pagkatapos ay nagtuloy na kami pababa, di na namin dinaanan yung Pong-ol Burial Cave dahil sarado na daw sya sa public. 

Mga tatlong oras siguro nilakad namin bago namin narating kung saan nag-park yung van namin. Saglit kaming nag-hugas at naglinis ng katawan bago nagtungo ng Baguio City para sa side trip, pero dahil 7:30PM na non, nag-dinner na lang kami sa Sizzling Plate Baguio at bumili ng pasalubong. Mga 8:30PM, pababa na kami ng Manila at mga 12:30AM nasa Cubao na kami. Galing ni kuya driver e, kulang nalang ilipad yung van sa bilis nya magpatakbo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s