Tanay Tour

Ito yung unang beses ako na nag-joiner na walang kasama. Dapat Calaguas tour ito, kaso dahil bumabagyo, nakansela yung tour kaya ayun, last minute nag palit ako ng package. 900 pesos para sa solo joiner.

Akala ko nung una ma-o-OP ako, lalo na nung makita kong grupo-grupo yung mga kasama ko, magsyo-syota pa nga e. May isa din naman akong kasama na solo joiner din pero may mga nakasundo syang grupo. May umpon din naman sakin, mag-boyfriend from Zambongga na nagtatrabaho dito sa Manila, pareho pa nga kami ng company nung girl. Mababait sila, kwela yung guy, at mabait yung girl.

Linggo ng alas-kwartro ng madaling-araw yung call time ng pick-up sa may Telus Building, Cubao. Pero mag-5AM na kami naka-alis dahil alanganin yung pag-organize ng seat plan namin.

Una naming pinuntahan ay ang Antipolo Church upang magsimba. Mga quarter to six kami nakarating doon at nag-stay til quarter to seven para sunduin yung isa pang tour coordinator namin.

Dito ako bumili ng suman para sa pagkain ko ng tanghalian. The best ang suman nila dito, dyan ko lang na-realize na masarap i-partner ang suman at inihaw na liempo (lunch ko nung makarating kaming Batlag Falls)

Dahil sa late daw sya, nagpabonus sya ng side trip. Nakalimutan ko yung name nung lugar pero tabi sya ng kalsada at tanaw yung magagandang tanawin, bundok, at mga bahay sa ibaba. 

 Ang sunod naming pinuntahan ay ang Pililla Windmill Farm, dito na nagsimulang sumama yung panahon at umulan.

Ito yung lugar sa Tanay na gustong-gusto ko talagang puntahan kaya siya ang napili kong pamalit sa Calaguas Tour ko. Maganda naman yung lugar, mahangin, at tanaw yung mga bundok at Laguna De Bay. Sa totoo lang, di ko sya masyadong na enjoy dahil sa ulan, madilim ang lahat ng kuha kong picture. Mga 45 minute din kaming nag-stay doon.

Ang sumunod ay ang Parola Lighthouse.

Dito ako na-disappoint. Ang ganda kasi nya sa picture pero sa personal, waley na. Napaka-plain lang nya, okay sana kung open sya at pwedeng umakyat, ang kaso hindi. Sabi nila, pag nasa taas ka, may 360 degree veiw ka ng Laguna De Bay.

Ang sunod ay ang Tanay Church.

Sumaglit kami dyan dahil maulan na talaga ng mga sandaling iyan. Dyan na din ako bumili ng ilang makakain at maiinom.

Ang next ay ang Calinawan Cave.

Base sa pagkakarinig ko mula sa mga tour guide namin, ito ang kauna-unang kwebang binuksan sa publiko sa buong Rizal. May pitong palapag (layers) daw ito, pero hanggang ika-lima lang pwedeng puntahan. Maputik, makitid, at madilim  ang loob ng kweba. Pagdating sa ikalawang layer ay pinapatay lahat ng flashlight at ilaw namin para ipakita ang taglay nitong kadiliman, zero visibility ito na kahit magsuot ka ng puting damit ay di ka maaaninag. Pagdating ng ikatlong layer, tinanong kami ng mga tour guide kung gusto pa naming ituloy hanggang sa ikalimang layer yung tour dahil medyo mahirap na daw yung daanan. Nag-go na ako dahil sa pangambang di na ako makaulit doon. Pero di naman pala sya mahirap lakbayin. Mas maputik, oo. Mas madulas, oo. Mas makitid ng daan, oo. Muntikan na nga akong gumapang makausad lang. Pero para sa akin, easy lang sya.

Maganda sana syang balikan ulit kaso di ko gusto yung public service nila doon. Wala maayos na banyo, may pupu at ang baho at walang malinis na tubig. Ang mga helmet naman nila ay di ata nila nililinis after gamitin ng iba, ang baho, kakapit sayo yung amoy.

Ang sumunod ay ang Danarak Falls at Batlag Falls, doon na kami nag kumain ng lunch, nagbanlaw at naglinis. Kung wala kang baong pagkain, may mabibilhan din dito. Masarap inihaw na liempo nila. 

Sa Batlag Falls kami nag stay.

Mas maganda daw kasi dito at mas malinis yung tubig at may swimming pool pa. Kaso may additional na 100pesos yung pagpunta namin dito. Naenjoy ko yung falls, maganda yung lugar at relaxing sya. At solo mo din sya. May life guard din dahil may parte nung ilog yung malalim daw at dahil madulas yung paligid. Masarap sa pakiramdam yung tubig kahit medyo kulay chocolate sya. Yung agos naman ng falls, masarap sa likod, parang minamasahe ka.

Dito kami nagtagal kaya nung puntahan na namin ang last stop namin ay medyo madilim na.

Ang last stop ay ang Regina Rica Rosarii.

Sumaglit lang kami dyan dahil maaga silang nagsasara. Dahil sa pagod ay kakaunti nalang kaming bumaba ng van para lapitan sya.

Pagkatapos namin dyan, bumalik na kami ng Cubao.

All in all, naenjoy ko yung tour. Di na din masama para sa first time kong mag-solo joiner. Kala ko nga nung una ay magiging loner ako pero di pala. May mga friendly akong nakilala at nakasama. Medyo wrong timing lang talaga yung ulan. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s