Mt. Binutasan 

First time kong mag-joiner para sa hiking. Maysawa Circuit sa may Tanay, Rizal. Twin hike ang package, Mt. Sapari at Mt. Binutasan with side trip sa batis, at sea of clouds sa halagang 800 pesos, kasama na ang transportation, bagtag, at tour guide. Ang kaso, dahil sa bagyo, Mt. Binutasan lang na akyatan namin.

Yan ang view na bumungad sa amin pag-akyat ng summit. Sea of fogs? Hehe.. Sea of clouds naman siya actually, pero dahil naulan, mas lamang ang fogs.

Given na marahil kung sasabihin kong nakakapagod at hassle ang pagkaakyat sa bundok ng Binutasan. Pero share ko na din ang experience ko; papunta palang sa trail papuntang Mt. Binutasan, halos isa’t kalahati na kaming naglakad sa madulas at maputik na daan. Nagsimula kaming maglakad mga bandang alas-kwatro ng madaling-araw.

Di ako ready sa hike na ito, tanging pamalit lang na damit at tubig ang dala ko. Buti na lamang may mga tindahan doon. Bumili ako ng kapote (poncho) sa halagang 55 pesos para di ako masyadong mabasa ng ulan.

Pagpasok namin ng trail, doon na nagsimula ang kalbaryo ko. May parte ng trail na madulas at maputik, may bonus pang Limatik (parang linta, di mo mararamdaman yung kagat pero pag natanggal sa katawan mo, dugo kung dugo). 

Sa ibang bahagi naman ng trail, kung saan, ang sabi ng mga local tour guide namin  na kagagawa lang nila nung nakaraang araw, ay matirik, madulas, at matalahib, may bonus din siya — malalaking pulang langgam, mas malaki pa sa antik. 

Siguro, may dalawang maliit kaming bundok na inakyat-baba bago namin narating ang Mt. Binutasan. Mga dalawa’t kalahating oras ang nilakad namin mula sa bukanan ng trail patungong summit.

Pag dating namin sa summit, sinalubong kami ng malakas na ulan at hangin. Pinagkasapalaran ko nalang ang cellphone ko makapag-picture lang.

Mga 15 minutes lang kaming nagtagal sa summit dahil lumalakas yung ulan.

Kung gaano kahirap umakyat, doble nun ang hirap ang pagbaba, mas matirik at mas madulas ang daanan. Puro lupa kasi siya, bihira ang bato. Nag-traverse kami pababa, ilang bundok ang inakyat-baba namin bago makarating sa batis, halos dalawang oras din iyon.

Nag-hugas lang kami ng mga paa sa batis. Ang balak sana ay maligo doon pero sa sobrang gutom at pagod, nag desisyon nalang kami na bumalik na sa van at maglinis na ng katawan.

Kumain kami sa isang tindahan doon, nagpaluto ng noodles, at saglit na nagpahinga. After nun ay bumalik na kami sa van. Halos dalawang oras nilakad namin pagbalik, at dahil sa sobrang pagod ay nag-tricycle na din kami nung marating namin yung medyo patag na daanan sa halagang 30 pesos kada tao.

Pagdating sa van, agad kaming naglinis ng katawan. Nag-half bath lang ako dahil sa takot na mapasma, at dahil na din mahal ang kada timba ng tubig doon, 20 pesos.

Pagkatapos ay bumalik na kami ng Cubao.

Actually, hindi ko masyadong feel yung agency na pinag-join-an namin. Kung sa serbisyo ay okay sila, mababait at kwela ang mga organizer at tour guide. Siguro, in a sense of accommodating medyo bagsak sila sa akin, kinulang lang siguro sa communication, parang feeling ko kasi di sila ganun ka-excited maki-transaction sayo, after mong makapagpa-reserve, wala ka ng maririnig sa kanila, kung di ikaw ang unang lalapit, nganga ka. Di mo alam kung tuloy ba o ano, that feeling tho~ 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s