Manila Tour – Intramuros

Saan nga ba pwedeng gumala sa Manila maliban sa mga Mall? 

Hmmmm… Nandiyan si Luneta Park, Chinatown, Star City, Manila Ocean Park, at si Intramuros.

At dahil nagtitipid ako, sa Intramuros ako napadpad.

Ilang beses na din naman akong nakapunta dito, ang kaso puro bungad lang, iyong lugar lang kung saan naroroon ang mga sikat na unibersidad na gaya ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Lyceum of the Philippines University, etc. 

Unang kong pinuntahan dito ay ang Manila Cathedral. Naka-aircon ang buong simbahan at maganda ang loob. Makikita din dito ang La Pieta at rebulto ni Saint Peter.

Bago ko pala narating ang Manila Cathedral, nadaan ko din ang mga sumusunod:

⚫ Baluarte de San Diego

⚫ San Agustin Church

⚫ Palacio Del Gobernador

⚫ Casa Manila

⚫ Plaza de Roma

Ang sunod ko namang pinuntahan ay ang Fort Santiago. May entrance fee dito na 75 pesos.

Sa loob din ng Fort Bonifacio makikita ang Museo ni Rizal, na kung saan naka-display ang mga gamit, likha, at istorya ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Doc. Jose P. Rizal.

Magandang ehersisyo ang paglalakad sa paligid ng Intramuros, mabilan kasi sa mahal ang arkila ng kalesa at padyak, naging pamilyar ako sa mga kalye doon.

Di ko alam kung nadaan ko ang mga sumusunod, nalito kasi ako sa mapang na-download ko kay Google.

⚫ Ayuntamiento Ruins

⚫ Bahay Tsinoy

⚫ San Ignacio Church Ruins

⚫ Intendencia Ruins

 Pagkatapos ko sa Intramuros, sumaglit ako sa National Museum. Walang entrance fee dito at di din sila mahigpit sa pagpapasok ng mga bisita.

Kung mahilig ka sa mga lumang arts, magandang puntahan ito. Nasa loob din nito ang sikat na Spolaruim ni Juan Luna.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s